Ang blog na ito ay ginawa upang ang lahat ng kalokohan at kabulastugan ay maibahagi sa mga kapwa natin puro kalokohan ang nasa isip. Pwede itong tularan upang makapagpasaya ng kapwa pero kailangan mong harapin ang mga kaukulangan responsibilidad sa pagawa mo ng kalokohan. Ito ay pampalipas oras lamang. Kung nababasa mo ito, ikalat mo sa mga kaibigan mo para matututo din sila ng mga kalokohan.
Saturday, July 17, 2010
Mga bagay na gusto mong sabihin sa boss mo pero hindi pwede
1. Ano!? Yan lang di niyo pa kayang gawin at iuutos nyo pa sa akin?
2. Hellooo! Gawin niyo na iyan no para naman huwag niyong makalimutan kung
paano mag-isip.
3. Sir, makinig kaya kayo sa akin!? Pwede?
4. Puwede ba, busy ako? Mamaya na po yan.
5. Gumawa kayo ng sarili niyong presentation!
6. If challenges are more important than financial rewards, then why don't
you just trade in your salary for my challenges?
7. Pwede pong paki-decide kung alin sa 10 inutos niyo sa kin ngayon ang
talagang urgent?
8. Sir, pwede po bang taasan ang sweldo ko?! Ang hirap kasi ng trabaho ko
eh, ang pakisamahan kayo!
9. Bakit po pag kami walang ginagawa pinapagalitan niyo kami? Pero bakit
pag kayo ok lang?
10. Akala niyo ba magaling kayo? Wala lang silang mapiling iba kaya kayo
nilagay diyan sa pwestong yan!
11. Ma'am, ang bait niyo po talaga. Sana kunin na kayo ni Lord.
12. Kung totoong nag-client call kayo patingin ng service report niyo!
13. Sagutin niyo naman yung telepono. A little exercise won't hurt.
14. Sige, gagawin ko po ito. Pero pagtimpla niyo ko ng kape.
15. Shut up when I'm talking to you!
16. Kayo itong may pa-kotse tapos ako uutusan niyo pumunta sa meeting? Ano
kayo, hilo!??
17. Ano?!! Di niyo alam mag-print? Sayang ang laptop niyo.
18. Sir aminin niyo na po, nagpapa-cute lang kayo sa client. Kunyari pa
kayo na binebentahan niyo siya.
19. If you really think it's that important, e di kayo ang gumawa.
20. Sir, palit tayong sweldo!
21. Ang sarap po siguro ng trabaho niyo no? Biro niyo, utos lang kayo nang
utos samin. Ang laki pa ng sweldo!
22. Gusto niyo mag-trabaho naman for a change?
23. Do my work over the weekend?!?! At baket!? Sino kayo para utusan ako?
24. Ngayon na due ito? Eh di kayo gumawa!
25. Can't you see I'm goddamn busy?
26. Asus!! Mage-edit lang hindi pa kaya! Kayo na lang ang mag-edit para
hindi sayang sa oras.
27. Huli kayo! Nanonood din pala kayo ng VCD ha!
28. Sir, lahat po ng kelangan niyo nandyan na. Kelangan niyo lang po
tingnan mabuti!
29. Tsk tsk tsk, yan na nga ba sinasabi ko e. Ayaw nyo kasing makinig sa
akin.
30. Pwede bang sa akin na lang position niyo?
31. Nagtataka talaga ako kung bakit napunta kayo sa puwestong yan.
32. Hay naku, sa dinami-dami naman ng pwedeng maging boss, bakit kayo pa
ang napunta sakin!
33. Basahin niyo muna ang lahat ng email messages niyo bago niyo sabihin na
hindi ko pa nagagawa yung pinapagawa niyo.
34. Hindi po Inday ang pangalan ko, kaya wag po ninyo akong utusan.
35. Hindi po bottomless pit ang inbox nyo. Talagang titirik ang PC nyo kung
hindi kayo magde-delete ng email!
36. Kabit nyo po ba yung prinomote nyo?
37. Aah, sir, crush niyo ba ko? Yung seryoso? Lagi na lang po kasing ako
ang nakikita nyo para utusan eh.
38. Why do you keep on doing this to me?
39. Pwede ba tigilan niyo ko?
40. Kasama ba sa job description ko to?
41. If I do what you tell me to, will this change the world?
42. I'm not sure if it's your good looks, your family connection or your
charming disposition kaya kayo andyan sa puwesto nyo. But I'm definitely
sure it has nothing to do with your intellect.
43. Okay lang umabsent kayo. Buti nga yun para mas maaga kaming
makakapag-lunch e.
44. Ang OA niyo naman. Kino-complicate niyo pa ang mga simpleng problema
para lang magmukha kayong may alam.
45. You're just insecure. Palibhasa, deep down you know you don't deserve
to be the boss of someone whose brilliance you can only dream of!
46. Sir naman, hindi naman po lahat ng tao kasing bobo niyo.
47. Karapatan ko nang umuwi pagpatak ng 5pm, 8 hours lang ang binabayaran
sa akin eh! Karapatan ko ring mag- absent! At karapatan kong ring masulit
ang 1 hour lunch break ko!
48. Ma'am huwag na po kayong mag-English. Lalo lang pong nagiging obvious
ang pagiging tanga niyo.
49. Sa tono ng pananalita nyo, parang naiintindihan ninyo ang pinag-uusapan
namin ah. Galing!!
50. Sana po pwede ko rin kayong i-evaluate, 'no?
51. Kung ano man po ang kasalanan ko ay kasalanan nyo rin. Boss ko kayo eh.
52. Maglinis naman po kayo ng table niyo. Masyado kayong nagpapanggap na
maraming ginagawa e.
53. Hoy! Ikaw! Halika nga rito at tulungan mo ko!
54. Saang planeta po ba kayo nanggaling at hindi ninyo alam ito?
55. Ano naman ang mapapala ko kung gagawin ko to?
56. Bakit ganyan po kayo magsalita? Napo-possess ba kayo ng masamang
espirito?
57. Sir, umabsent naman po kayo paminsan-minsan. Masaya po kasi ang buong
office pag wala kayo eh.
58. Huwag nga kayong makialam samin!
59. Kelan kaya kayo mapapalitan bilang boss namin?
60. Bakit kayo pwedeng umalis ng walang paalam, bakit ako hindi? .
61. Bakit po ba alis kayo nang alis, ba't di nalang pag-isahin ang mga
meeting na yan at kailangang magpabalik-balik kayo don?
62. Pwede po bang wag nyo kong tawagan o i-text ng alas onse ng gabi?
Galing dito ang larawan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment